Sony Xperia Z5 - Paggamit ng iyong device sa isang car infotainment system

background image

Paggamit ng iyong device sa isang car infotainment system

Ikonekta ang iyong device sa isang car infotainment system na na-certify ng MirrorLink™

gamit ang isang USB cable para, halimbawa, gumamit ng navigation app o mag-play ng

musika mula sa iyong device habang nagmamaneho. Kapag nakakonekta, makakapag-

navigate ka sa mga app gamit ang mga kontrol ng car infotainment system.

Maaaring hindi available ang ilang application habang nakakonekta ang MirrorLink™. Hindi rin

available sa MirrorLink™ ang pinoprotektahang data, gaya ng mga video na mahigpit na

pinoprotektahan sa ilalim ng Digital Rights Management (DRM).

Upang ikonekta ang iyong device sa isang car infotainment system

Ikonekta ang iyong device at ang car infotainment system gamit ang isang USB

cable. Lumalabas ang screen ng iyong device sa screen ng infotainment system.

Maaaring kailangan mong simulan ang MirrorLink™ nang manu-mano kung hindi maitatatag

nang manu-mano ang koneksyon sa pagitan ng iyong device at ng infotainment system.

Upang manu-manong simulan ang MirrorLink™

1

Tiyaking nakakonekta ang iyong device sa infotainment system ng kotse gamit

ang isang USB cable.

2

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

3

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Koneksyon ng device > MirrorLink™.

4

Tapikin ang

Simulan MirrorLink™, pagkatapos ay tapikin ang OK.

5

Kung hindi pa rin makakonekta, tapikin ang

Network address upang baguhin

patungo sa isa pang network address at pagkatapos ay subukang muli.