Mga setting ng Internet at MMS
Para makapagpadala ng mga multimedia message o ma-access ang Internet kapag
walang available na Wi-Fi network, mayroon ka dapat gumaganang koneksyon sa mobile
data na may mga tamang setting ng Internet at MMS (Multimedia Messaging Service).
Narito ang ilang tip:
•
Para sa karamihan ng mga mobile network at operator, ang mga setting ng Internet at
MMS ay pauna nang naka-install sa iyong device. Maaari mong simulang gamitin ang
Internet at magpadala kaagad ng mga multimedia message.
•
Posibleng i-download ang mga setting na ito sa pamamagitan ng Wi-Fi.
•
Maaari kang manu-manong magdagdag, magbago o magtanggal ng mga setting ng
Internet at MMS sa iyong device anumang oras. Kung hindi mo sinasadyang mabago o
matanggal ang isang setting ng Internet o MMS, i-download muli ang mga setting ng
Internet at MMS.
•
Kung hindi mo ma-access ang Internet sa pamamagitan ng mobile network o kung hindi
gumagana ang multimedia messaging, kahit na na-download na nang matagumpay sa
iyong device ang mga setting ng Internet at MMS, sumangguni sa mga tip sa
troubleshooting sa iyong device sa
www.sonymobile.com/support/
para sa mga isyu sa
saklaw ng network, mobile data at MMS.
•
Kung naisaaktibo ang STAMINA mode para makatipid sa baterya, mapo-pause ang lahat
ng trapiko ng mobile data kapag naka-off ang screen. Kung magdudulot ito ng mga
problema sa koneksyon, subukang huwag isama sa mga ipo-pause ang ilang application
at serbisyo, o pansamantalang ideaktibo ang STAMINA mode.
•
Kung gumagamit ka ng device na may maraming user, ang may-ari o pangunahing user
lang ang makakapag-download ng mga setting ng Internet at messaging mula sa menu
ng Mga Setting, pero malalapat sa lahat ng user ang mga na-download na setting.
Para i-download ang mga setting ng Internet at MMS
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa > Pag-download ng setting.
3
Tapikin ang
TANGGAPIN. Kapag matagumpay nang na-download ang mga
setting, lalabas ang sa status bar at awtomatikong mao-on ang trapiko ng
mobile data.
Kung hindi ma-download sa iyong device ang mga setting, tingnan ang lakas ng signal ng mga
koneksyon ng iyong mobile o
Wi-Fi network. Lumipat sa isang bukas na lokasyon na walang
mga balakid o lumapit sa isang bintana at pagkatapos ay subukang muli.
53
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Para magdagdag ng mga setting ng Internet at MMS
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa > Mga mobile network.
3
Tapikin ang
Mga Access Point Name > .
4
Tapikin ang
Pangalan at magpasok ng gustong pangalan, pagkatapos ay tapikin
ang
OK.
5
Tapikin ang
APN at ipasok ang pangalan ng access point, pagkatapos ay tapikin
ang
OK.
6
Ipasok ang lahat ng iba pang kinakailangang impormasyon. Kung hindi mo alam
kung ano ang kinakailangang impormasyon, makipag-ugnayan sa iyong network
operator para sa higit pang mga detalye.
7
Kapag tapos ka na, tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang
I-SAVE.
Para tingnan ang mga na-download na mga setting ng Internet at MMS
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Higit pa > Mga mobile network.
3
Tapikin ang
Mga Access Point Name.
4
Para tumingin pa ng mga detalye, tapikin ang alinman sa mga available na item.