Shortcuts at folder
Gamitin ang mga shortcut at folder upang pamahalaan ang iyong mga application at
panatilihing malinis ang iyong Home screen.
1
I-access ang isang application gamit ang shortcut
2
I-access ang isang folder na naglalaman ng mga application
Upang magdagdag ng shortcut ng application sa iyong Home screen
1
Pindutin nang matagal ang isang bakanteng lugar sa iyong
Home screen.
2
Sa menu ng pag-customize, tapikin ang
Mga Widget > Shortcuts.
3
Mag-scroll sa listahan at pumili ng application. Maidaragdag ang piniling
application sa
Home screen.
32
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang ilipat ang isang item sa Home screen
•
I-touch at tagalan ang isang item hanggang sa mapili ito, pagkatapos ay i-drag
ang item sa bagong lokasyon.
Upang mag-alis ng item mula sa Home screen
•
I-touch at tagalan ang item hanggang sa mapili ito, pagkatapos ay i-drag ang item
sa
Alisin sa home screen sa itaas ng screen.
Upang gumawa ng folder sa Home screen
•
I-touch at tagalan ang isang icon ng application o isang shortcut hanggang sa
mapili ito, pagkatapos ay i-drag at i-drop ito sa tuktok ng isa pang icon ng
application o shortcut.
Upang magdagdag ng mga item sa isang folder sa Home screen
•
Pindutin nang matagal ang isang item hanggang sa mag-vibrate ang device,
pagkatapos ay i-drag ang item patungo sa folder.
Upang palitan ng pangalan ang isang folder sa Home screen
1
Tapikin ang folder upang mabuksan ito.
2
Tapikin ang title bar ng folder upang ipakita ang field na
Pangalan ng folder.
3
Ipasok ang bagong pangalan ng folder at tapikin ang
Tapos na.